Chiksilog is my Choice in a major major way!

Noong nakaraang taon, maswerte kong nasungkit ang parangal bilang Bloggers’ Choice sa Philippine Blog Awards. Naaalala ko nga na ninenerbyos pa ako nung gabi ng parangal kasi ito bale ang isa sa pinaka-aabangang award maliban sa Best Personal Blog. Iba ang feeling ‘nung sa wakas ay tinawag na ni Batang Yagit (Bloggers’ Choice 2008) ay pangalan ko. Nakakatuwa dahil ang isa sa mga bespren ko sa tunay na buhay ang siyang nagpasa sa akin ng isa napakahalagang tropeyo.
Sa taong ito, isang tao lang ang naiisip kong iboto para sa Bloggers’ Choice - si CHIKSILOG.
Hindi ko pa man siya nakikilala noon sa personal ay binabasa ko na rin ang blog nya. Sa katunayan nga, meron kaming hindi sinasadyang ugnayan noon (LOL). Isang proyekto sa trabaho ang naging tulay upang magkakilala kami sa totoong buhay at kalauna’y naging magkaibigan na ngang tunay.
Bakit si Chiksilog - CHKSLG, xG, XienahGirl?! Kasi kaibigan ko siya nyahaha :P Hindi. Ambabaw naman ng rason na ‘yun. Kung yun lang rason ko, eh di dapat yung ibang nominado din na malapit sa akin ang binoto ko ‘di ba? Hmmmm… dahil binoto nya ako noong nakaraang taon hahaha para quits na :P Ay, hindi rin. mababaw pa rin na dahilan yun. Parang tumanaw lang ng utang na loob. Tsk.
Sige eto na ang dahilan - Kasi si Chiksilog, may sarili na yang fanbase noon pa man. Wala pa siyang datkom noon ay may recall na ang kanyang matalas na pamamaraan ng pagsusulat. Alam mo yung tipong kung galit sya sa mundo, maipapaliwanag nya ng mainam kung bakit? May pagka-domineering nga lang talaga ang babaeng ito, pero tingin ko ay ito ang dahilan kung bakit naaadik sa kanya ang mga tagahanga nya na talagang sinusubaybayan ang mga reklamo niya sa buhay, mga kuro-kuro sa kung anu-anong kalokohan at syempre, ang kanyang buhay pag-ibig na nakakaloka talaga :P
Isa pa - artista ko ‘yan sa dalawa kong pelikula. Hindi lang ‘yan blogger - sweet lover din yan. Kaso nga lang wala pa yang nagiging seryosong boypren. Yung larawan sa taas kuha yan sa isa sa mga short films na ginawa ko kung saan siya ang bida.
Iboto niyo si Chiksilog sa http://www.philippineblogawards.com.ph. Kung manalo raw siya, ipopost na nya sa blog nya ang kanyang mala-Venus Raj na fez - in a major major way! Pak!